Lumaktaw sa pangunahing content

Makisakay sa amin sa City of Angels

I-tap. Sumakay. Mag-relax.

Mula Santa Monica Pier hanggang Echo Park, Waymo One ang bago mong paboritong paraan para bumiyahe. Milyon-milyong biyahe na ang naihatid, kaya nasasabik kaming mag-alok ng ligtas na paraan para bumiyahe sa City of Angels. I-download ang Waymo One app at sumakay sa ganap na autonomous na biyahe ngayon.

Smart phone na nagpapakita ng ruta ng Waymo One

Paano ito gumagana

Saan ka puwedeng pumunta

Kasalukuyang nag-o-operate ang Waymo One nang 24/7 sa mahigit 120 square miles ng LA. Mula Santa Monica hanggang Echo Park, hayaang ang Waymo Driver ang magmaneho para sa iyo.

Teritoryo ng Waymo One sa LA na sumasaklaw sa Santa Monica hanggang Downtown, at hanggang Irvine.
Teritoryo ng Waymo One sa LA na sumasaklaw sa Santa Monica hanggang Downtown, at hanggang Irvine.

Mga Testimonial

Pinapadali ng Waymo ang mga bagay, priyoridad nito ang kaligtasan, at nakatuon ito sa sustainability kaya ito ang paborito kong paraan ng transportasyon.
Pakanang Arrow

Alamin kung bakit Waymo One ang pinipili ni Eva

Waymo vehicle na nagmamaneho sa abalang kalsada sa lungsod
Waymo na napapaligiran ng pattern ng tuldok para ma-visualize ang lidar na dot map

Ang Waymo Driver ay ang aming teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho na may hindi mapapantayang pagsasaalang-alang sa experience at kaligtasan

  • 40

    milyong

    milya+

    May karanasan ang Waymo Driver na katumbas ng pagmamaneho nang mahigit 40 milyong milya sa napakaraming sitwasyon - na katumbas ng pagmamaneho papunta at mula sa Buwan nang 80 beses

  • Kaligtasan Muna

    Sumusunod kami sa isang mahigpit na framework ng kaligtasan kung saan pinagsasama-sama ang maraming pamamaraang nakakatulong sa pag-verify at pag-validate ng aming pagiging handa sa kaligtasan at pagtugon sa mga naaangkop na batas at regulasyon.

  • Libo-libong rider

    Mahigit isang dekada na kaming nagsasagawa ng mga pag-test sa mahigit sampung estado, at ngayon, ligtas kaming nagpapatakbo ng ganap na autonomous na serbisyo ng ride hailing na available sa publiko sa Phoenix, San Francisco, and Los Angeles.

Salamat sa aming mga partner sa komunidad

Matuto pa tungkol sa kung paano nakipagtulungan ang Waymo sa mga komunidad kung saan kami nag-o-operate

  • Partner na Greater Good sa harap ng Waymo vehicle
    Logo ng Greater Good Charities

    Naghahatid kami ng mga grocery sa mga service provider para sa mga pamilyang mababa ang kita at walang tirahan

  • Mga volunteer ng Operation Firefly
    Logo ng Bike LA

    Namamahagi ng safety gear sa pamamagitan ng Operation Firefly/Operacíon Luciérnaga kasama ng mga kaibigan namin sa Bike LA

  • Waymo vehicle na napapalibutan ng mga kalahok ng Kingdom Day Parade
    Logo ng Kingdom Day Parade.org

    Kasama ang Cathedral City High School Ballet Folklorico sa the Kingdom Day Parade

mga faq

  • Mga kamay na may hawak na smart phone
    Mga kamay na may hawak na smart phone

    Paano ako magsa-sign up para makabiyahe sa Los Angeles?

    Puwede nang sumakay ngayon ang kahit sinong nasa Los Angeles. I-download lang ang Waymo One app para magamit na ang aming serbisyo ng autonomous na ride-hailing!

  • Saang lokalidad kayo nag-o-operate?

    Kasalukuyang nag-o-operate ang Waymo sa iba’t ibang bahagi ng LA, mula Santa Monica hanggang Echo Park, at hanggang Inglewood. Tandaan: Sa ngayon, hindi kami nag-aalok ng serbisyo sa LAX.

  • Overpass sa freeway
    Overpass sa freeway

    Nagmamaneho ba kayo sa mga freeway?

    Unti-unti naming pinapalawak ang mga operasyon namin sa freeway gamit ang aming framework ng kaligtasan bilang pundasyon namin. Nasasabik kaming palawakin ang serbisyong ito.

  • Waymo One vehicle na nasa ruta
    Waymo One vehicle na nasa ruta

    Paano gumagana ang autonomous vehicle?

    Gumagamit ang mga sasakyan namin ng kumbinasyon ng software at mga sensor — kabilang ang mga camera, radar, at lidar — para maunawaan ang kapaligiran ng mga ito at makapag-drive nang autonomous. Matuto pa tungkol sa Waymo Driver — ang aming teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho.

  • Waymo vehicle mula sa itaas
    Waymo vehicle mula sa itaas

    Ano ang ipinapatupad ninyong mga hakbang sa kaligtasan?

    Sumusunod kami sa isang mahigpit na framework ng kaligtasan kung saan pinagsasama-sama ang maraming pamamaraan para makatulong sa pag-verify at pag-validate ng aming pagiging handa sa kaligtasan at pagtugon sa mga naaangkop na batas at regulasyon.

  • Autonomous specialist
    Autonomous specialist

    Kung autonomous ito, bakit may tao minsan sa kotse?

    Pangunahing nagmamaneho nang autonomous ang mga sasakyan namin, pero kung minsan, mapapansin mong may mga autonomous specialist na nakasakay sa upuan ng driver. Naroon ang mga specialist na ito para subaybayan ang aming teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho at mag-share ng mahalagang feedback habang nagsasagawa ng pagsubok para tulungan kaming pagandahin ang experience sa Waymo One.

  • Kandado
    Kandado

    Puwede bang ma-hack ang mga kotse?

    Mahalagang priyoridad ang proteksyon laban sa pag-hack, kaya naman mayroon kaming maraming layer ng seguridad na idinisenyo para pigilang ma-access ng mga hindi pinapahintulutang source ang aming system ng autonomous na pagmamaneho. Hindi naa-access sa pamamagitan ng komunikasyon mula sa labas ang pagmamaneobra, pag-brake, at mga controller. Pinoprotektahan laban sa mga wireless network ang onboard na computer na nananatiling responsable sa gawain ng pagmamaneho sa lahat ng oras. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga sasakyan namin sa aming team ng pagtugon sa fleet, ine-encrypt ang lahat ng cellular na koneksyon. At tuloy-tuloy naming pinapahusay ang aming teknolohiya para makatulong na tiyaking mayroon kaming mga secure na proteksyon.

  • Waymo sensor pod sa ibabaw ng sasakyan
    Waymo sensor pod sa ibabaw ng sasakyan

    Ano ang ginagawa ninyo sa footage mula sa camera na kinokolekta ninyo?

    Ginagamit ang mga camera sa labas ng sasakyan para tulungan ang Waymo Driver na makita at pahusayin ang kakayahan nitong mag-navigate nang ligtas sa daan. Ang mga camera sa loob ng sasakyan ay isang paraan para masigurado naming magiging maayos ang biyahe mo. Bukod sa iba pang bagay, posibleng gumamit kami ng mga camera para: tiyaking malinis ang mga kotse, maghanap ng mga nawawalang item, magbigay ng tulong kapag may emergency, tingnan kung nasusunod ang mga panuntunan sa kotse, at pahusayin ang mga produkto at serbisyo.