Lumaktaw sa pangunahing content

I-redefine kung paano ka lumilibot sa San Francisco

Larawan ng Golden Gate Bridge

Kilalanin ang Waymo One. 
Idinisenyo nang isinasaisip ang Bay.

Mula Union Square hanggang Serramonte Center, lumibot gamit ang isang ganap na electric na Jaguar I-PACE, nang walang tao sa likod ng manibela. Sa mahigit 2 milyong biyaheng naihatid at milyon-milyong milyang namaneho namin, buong-pagmamalaki kaming nagbibigay ng ligtas na transportasyon sa lungsod na itinuturing naming tahanan.
I-download ang Waymo One app at bumiyahe na.

Waymo One app sa smart phone

Paano ito gumagana

Saan ka puwedeng pumunta

Nag-o-operate ang Waymo One nang 24/7 sa San Francisco at Daly City. Hayaan ang Waymo Driver na magmaneho Mula Union Square hanggang Serramonte Center.

Mapa ng Teritoryo ng SF na sakop ang buong San Francisco at Daly City
Mapa ng Teritoryo ng SF na sakop ang buong San Francisco at Daly City
Mag-sign up para sa mga update para makakuha ng pinakabagong impormasyon tungkol sa Waymo at sa aming teknolohiya.

Mga Testimonial

Pinapadali ng Waymo ang mga bagay, priyoridad nito ang kaligtasan, at nakatuon ito sa sustainability kaya ito ang paborito kong paraan ng transportasyon.
Pakanang Arrow

Alamin kung bakit Waymo One ang pinipili ni Eva

Taong papalapit sa Waymo vehicle na may duffel bag
Waymo na napapaligiran ng pattern ng tuldok para ma-visualize ang lidar na dot map

Ang Waymo Driver ay ang aming teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho na may hindi mapapantayang pagsasaalang-alang sa experience at kaligtasan

  • 20 Milyong Milya

    May experience ang Waymo Driver na katumbas ng mahigit 20 milyong milya ng pagmamaneho sa totoong mundo sa napakaraming sitwasyon - na katumbas ng pagmamaneho papuntang Buwan at pabalik nang 40 beses.

  • Kaligtasan Muna

    Sumusunod kami sa isang mahigpit na framework ng kaligtasan kung saan pinagsasama-sama ang maraming pamamaraang nakakatulong sa pag-verify at pag-validate ng aming pagiging handa sa kaligtasan at pagtugon sa mga naaangkop na batas at regulasyon.

  • Libo-libong rider

    Mahigit isang dekada na kaming nagsasagawa ng mga pag-test sa mahigit sampung estado, at ngayon, ligtas kaming nagpapatakbo ng ganap na autonomous na serbisyo ng ride hailing na available sa publiko sa Phoenix, San Francisco, and Los Angeles.

Salamat sa aming mga partner na komunidad

Matuto pa tungkol sa kung paano nakipagtulungan ang Waymo sa mga komunidad kung saan kami nag-o-operate

  • Logo ng Self Help for the Elderly

    Ikinalulugod naming tumulong sa mga nakatatanda na makagalaw at maging malaya, sa pakikipagtulungan sa Self Help for the Elderly

  • Partner ng SF LGBT na nagkakarga ng mga pinamili sa Waymo
    Logo ng SF LGBT

    Sa pakikipagtulungan sa San Francisco LGBT Center, naghahatid kami ng mahahalagang bagay at nagbibigay ng mga ligtas na biyahe sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+

  • Mga miyembro ng komunidad ng SF mula sa ARC
    Logo ng ARC

    Ipinagmamalaki naming makipagtulungan sa The Arc para makapagbigay ng tuloy-tuloy at maaasahang transportasyon para sa mga taong may kapansanan

  • Partner ng Light House for the Blind sa harap ng Waymo vehicle
    Logo ng Light House for the Blind

    Bilang partner ng LightHouse, pareho kami ng paniniwala na ang kalayaan, mga kasanayan, at teknolohiya ang bumubuo ng pundasyon ng tagumpay para sa mga bulag o malabo ang paningin

  • Larawan ng grupo ng Epilepsy Foundation of Northern California
    Logo ng Epilepsy Foundation Northern CA

    Nag-aalok kami ng ligtas, tuloy-tuloy, at maasahang transportasyon para sa mga taong may epilepsy

mga faq

  • Mga kamay na may hawak na smart phone
    Mga kamay na may hawak na smart phone

    Paano ako magsa-sign up para makabiyahe sa SF?

    Puwede nang sumakay ngayon ang kahit sinong nasa San Francisco. I-download lang ang Waymo One app para magamit na ang aming autonomous na serbisyo ng ride hailing!

  • Golden Gate Bridge
    Golden Gate Bridge

    Saang lokalidad kayo nag-o-operate?

    Puwedeng bumiyahe ang mga rider sa isang Jaguar I-PACE na pinapatakbo ng Waymo Driver sa buong San Francisco at Daly City. Nagsasagawa rin kami ng mga pag-test sa mga bahagi ng Peninsula. Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming [mapa ng serbisyo] sa (https://waymo.com/whereyoucango).

  • Mga sensor ng Waymo vehicle
    Mga sensor ng Waymo vehicle

    Ligtas bang lumapit sa mga lidar sensor sa inyong sasakyan?

    Oo, hindi mapanganib ang ilaw. Napapailalim ang mababang level ng mga emission sa mga Class 1 na limitasyon at maituturing na nasa parehong kategorya ito ng mga laser na ginagamit sa mga appliance sa bahay tulad ng mga CD at DVD player.

  • Waymo vehicle na nagcha-charge
    Waymo vehicle na nagcha-charge

    Ano ang epekto sa klima ng inyong mga sasakyan?

    Ginagamit namin ang ganap na electric na Jaguar I-PACE sa San Francisco, at pinapagana ng 100% renewable energy ang mga ginagamit naming charger. Awtorisadong partner din kami ng programang CleanPowerSF ng SFPUC.

  • Waymo vehicle mula sa itaas
    Waymo vehicle mula sa itaas

    Ano ang ipinapatupad ninyong mga hakbang sa kaligtasan?

    Sumusunod kami sa isang mahigpit na framework ng kaligtasan kung saan pinagsasama-sama ang maraming pamamaraang nakakatulong sa pag-verify at pag-validate ng aming pagiging handa sa kaligtasan at pagtugon sa mga naaangkop na batas at regulasyon.

  • Nagbibisikleta
    Nagbibisikleta

    Paano nalalaman ng mga kotse ninyo kung paano makisabay sa mga nagbibisikleta sa kalsada?

    Marami sa amin ang mga nagbibisikleta rin, at nakakatulong ang mga personal na experience namin sa kalsada sa paghubog ng aming mga desisyon kaugnay ng engineering at produkto. Nakikipagtulungan din kami sa mga lokal na koalisyon sa pagbibisikleta para matiyak na nagsasaalang-alang ng iba’t ibang sitwasyon sa aming mga pamamaraan sa pag-test at pag-validate. Gumagamit ang aming mga sasakyan ng kumbinasyon ng mga sensor na idinisenyong makakita nang 360 degree sa paligid ng sasakyan, araw man o gabi, at natutukoy ng aming vision system ang mga detalye tulad ng mga naglalakad at stop sign na hanggang 500 metro ang layo. Pare-pareho ang gawi ng mga sasakyang minamaneho ng Waymo Driver — ligtas, magalang, maaasahan — at natutugunan nito ang kawalan ng katiyakan para sa mga nakapalibot sa mga ito. Nangungunang priyoridad para sa amin ang pagtiyak na nararamdaman ng lahat ng gumagamit ng kalsada na ligtas sila.

  • I-lock
    I-lock

    Puwede bang ma-hack ang mga kotse?

    Mahalagang priyoridad ang proteksyon laban sa pag-hack, kaya naman mayroon kaming maraming layer ng seguridad na idinisenyo para pigilang ma-access ng mga hindi pinapahintulutang source ang aming system ng autonomous na pagmamaneho. Hindi naa-access sa pamamagitan ng komunikasyon mula sa labas ang pagmamaneobra, pag-brake, at mga controller. Pinoprotektahan laban sa mga wireless network ang onboard na computer na nananatiling responsable sa gawain ng pagmamaneho sa lahat ng oras. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga sasakyan namin sa aming team ng pagtugon sa fleet, ine-encrypt ang lahat ng cellular na koneksyon. At tuloy-tuloy naming pinapahusay ang aming teknolohiya para makatulong na tiyaking mayroon kaming mga secure na proteksyon.

  • Waymo sensor pod sa ibabaw ng sasakyan
    Waymo sensor pod sa ibabaw ng sasakyan

    Ano ang ginagawa ninyo sa footage mula sa camera na kinokolekta ninyo?

    Ginagamit ang mga camera sa labas ng sasakyan para tulungan ang Waymo Driver na makita at pahusayin ang kakayahan nitong mag-navigate nang ligtas sa daan. Ang mga camera sa loob ng sasakyan ay isang paraan para masigurado naming magiging maayos ang biyahe mo. Bukod sa iba pang bagay, posibleng gumamit kami ng mga camera para: tiyaking malinis ang mga kotse, maghanap ng mga nawawalang item, magbigay ng tulong kapag may emergency, tingnan kung nasusunod ang mga panuntunan sa kotse, at pahusayin ang mga produkto at serbisyo.