Mga Madalas Itanong
Pagbiyahe sa Waymo
Ano ang Waymo?
Ang Waymo ay ang aming pampubliko at ganap na autonomous na serbisyo sa ride-hailing. Magagamit ng mga rider ang Waymo app para mag-hail ng isa sa aming mga autonomous na sasakyan (na walang taong driver sa upuan sa harap!) 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo Para man ito sa masayang paglabas sa gabi o para lang makapagpahinga sa pagmamaneho, nakakakuha ang aming mga rider ng malinis na sasakyan sa bawat pagkakataon at Driver na may mahigit 20 milyong milya ng experience sa mga pampublikong kalsada.
Saan nag-o-operate ang Waymo?
Nag-o-operate ang aming serbisyo sa ride-hailing ng Waymo sa:
Dallas, TX
Houston, TX
Los Angeles, CA
Miami, FL
Nashville, TN
Orlando, FL
Phoenix, AZ
San Antonio, TX
San Francisco Bay Area, CASa Austin at Atlanta, nakipagtulungan kami sa Uber para dalhin ang magic ng Waymo sa mas maraming tao. Puwede nang sumakay sa Waymo ang kahit na sino sa mga lungsod na ito ngayon. Matuto pa tungkol sa mga biyahe sa Waymo sa Uber.
Gusto mo bang makita kung saan kami susunod na papunta? Bisitahin ang aming page ng mga biyahe.
Paano ako makakakuha ng biyahe?
Sa San Francisco, Los Angeles, at Metro Phoenix, puwede nang sumakay sa ganap na autonomous na sasakyan ang kahit sino ngayon. I-download lang ang Waymo app at bumiyahe na.
Sa Dallas, Houston, Miami, Nashville, Orlando, San Antonio, i-download ang app para maging isa sa mga unang makakabiyahe.
Austin at Atlanta: Matuto pa tungkol sa pagbiyahe gamit ang Uber sa mga lungsod na ito.
Interesado ka ba sa aming mga paparating na lungsod? Mag-sign up para manatiling up to date sa pinakabago naming pag-usad, o i-download ang app para maging isa sa mga unang makakasakay kapag nagsimula na kaming tumanggap ng mga rider.
Sa aling mga kotse ako sasakay?
May access ang mga rider ng Waymo sa mga ganap na electric na sasakyang Jaguar I-PACE na pinapagana ng fifth-generation Waymo Driver, ang pinaka-advanced naming autonomous na system sa pagmamaneho sa ngayon.
Ilang tao ang puwedeng sumakay sa isa sa mga sasakyan ninyo?
Puwedeng magsakay ang mga Waymo vehicle namin ng hanggang 4 na rider (sa kahit anong upuan maliban sa upuan ng driver!). Matuto pa sa Help Center namin.
Puwede bang sumakay ang mga bata at sanggol?
Puwedeng sumakay ang mga pasaherong 17 taong gulang pababa bilang mga guest mo. Para sa aming maliliit na pasaherong wala pang 8 taong gulang, kakailanganin mong magdala ng upuan sa kotse o booster seat at i-secure ito sa upuan sa likod ayon sa mga tagubilin sa pag-install ng manufacturer. Hindi puwedeng umupo sa harap ang mga batang wala pang 8 taong gulang. Matuto pa sa Help Center namin.
Ano ang maaasahan ko pagdating sa pagpepresyo?
Transparent kami sa pagpepresyo namin — malalaman mo palagi ang gastos ng iyong biyahe bago ka mag-book, at ipapaalam namin sa iyo ang pagbabago sa presyo kung magpapasya kang magdagdag ng mga stop.
Ibinabatay namin ang presyo ng iyong biyahe sa pinakadirektang ruta. Kahit na kailangang mag-iba ng ruta ang kotse o mag-adjust ng ruta sa hindi inaasahang paraan, hindi magbabago ang gastos mo para sa biyaheng iyon.
Kapag mas abala, gaya ng mga gabi at weekend, posibleng mas mataas ang mga presyo para makatulong kaming pamahalaan ang mga request sa biyahe at masiguradong may mga available na biyahe.
Sa aling mga bansa ko mada-download ang Waymo app?
Mada-download ang Waymo sa mga app store sa mga sumusunod na bansa:
• Australia
• Canada
• France
• Germany
• Great Britain (UK)
• India
• Italy
• Japan
• New Zealand
• Mexico
• Poland
• Singapore
• United StatesNagsisikap kaming gawing available ang Waymo sa mga rider mula sa mas maraming lugar!
Napansin kong walang operator ng sasakyan sa upuan sa harap. Ganap na autonomous ba ang ilan sa mga sasakyan ninyo?
Oo. Ganap na autonomous ang mga Waymo vehicle namin. Ibig sabihin, sa karamihan ng pagkakataon, walang nagmamaneho kapag bumiyahe ka sa amin.
Nagmamaneho ba kayo sa mga freeway?
Unti-unti naming inilulunsad ang access sa freeway sa mga rider gamit ang aming framework ng kaligtasan bilang pundasyon namin. Matuto pa tungkol sa access sa mga freeway.
Napansin kong may tao mula sa Waymo sa upuan sa harap. Autonomous ba ang pagmamaneho ng sasakyan?
Pangunahing nagmamaneho nang autonomous ang aming mga sasakyan, pero kung minsan, mapapansin mong may mga autonomous specialist na nakasakay sa upuan ng driver. Naroon ang mga specialist na ito para subaybayan ang aming teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho at mag-share ng mahalagang feedback para tulungan kaming pagandahin ang experience sa Waymo.
Kailan magkakaroon ng Waymo sa lungsod ko?
Umaasa kaming maihatid ang kadalian at kaligtasan ng mga autonomous na kotse sa pinakamaraming taong posible. Hindi pa namin masabi kung saan kami susunod na papunta, pero nasasabik kaming dalhin ang teknolohiya namin sa mga bagong lungsod sa lalong madaling panahon.
Sino ang Mga Trusted Tester ng Waymo?
Kalahok ang Mga Trusted Tester sa pananaliksik para sa Waymo. Direktang sine-share ng mga rider na ito ang mga experience nila sa aming team para makatulong na hubugin ang hinaharap ng teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho. Ipaalam sa amin kung gusto mong maging Trusted Tester sa pamamagitan ng pag-download sa app at pagpapahayag ng interes sa tab na Account.
Kailangan mo ba ng tulong sa isang gamit na posibleng naiwan mo sa isang Waymo vehicle?
Ikalulugod ng aming team ng Suporta sa Rider na tumulong na ibalik sa iyo ang nawawala mong gamit. Makipag-ugnayan sa amin dito.
Pangkalahatan
Ano ang Waymo?
Ang Waymo ay isang kumpanya ng teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho na may misyong maging pinakapinagkakatiwalaang driver sa buong mundo. Mula noong nagsimula kami bilang Google Self-Driving Car Project noong 2009, nakatuon ang Waymo sa pagbuo ng Waymo Driver—The World’s Most Experienced DriverTM—para mapahusay ang access ng lahat sa mobility habang nagliligtas ng libo-libong buhay na nawawala dahil sa mga pagbangga ng sasakyan.
Bakit nagsisikap ang Waymo na gumawa ng mga ganap na autonomous na sasakyan?
Nakatuon kami sa pagbuo ng mga ganap na autonomous na sasakyan dahil naniniwala kaming mas ligtas at mas mahusay ito para sa lahat ng gumagamit ng mga kalsada natin.
Sa buong mundo, mahigit 1.35 milyong tao ang namamatay sa mga kalsada natin taun-taon. Sa US lang, mahigit 35,000 tao ang namamatay taon-taon dahil sa mga banggaan ng sasakyan. Sa U.S., 94% ng mga pag-crash ay dahil sa pagkakamali o desisyon ng tao, at ito ang isang lugar kung saan naniniwala kaming talagang makakatulong ang teknolohiya. Makakatulong din ang mga autonomous na sasakyan sa mga taong hindi makapagmaneho—matanda man, bulag, o may kapansanan—na makabiyahe at magawa ang mga bagay na gusto nila.
Anong mga uri ng sasakyan ang mayroon kayo sa kalsada?
Ang fleet namin ng Waymo ay binubuo ng mga ganap na electric na Jaguar I-PACE — ang unang premium na electric na autonomous na minamanehong sasakyan sa mundo.
Ano ang Waymo Driver?
Sa Waymo, nakatuon kami sa pagbuo ng Waymo Driver, ang tawag namin sa teknolohiya namin ng autonomous na pagmamaneho. May dalawang bahagi ang Waymo Driver: hardware at software. Sa panig ng hardware, mayroon kaming suite ng sensor na kinabibilangan ng lidar, mga camera, radar, at isang mahusay na platform ng pag-compute ng AI. Sama-samang nagbibigay ang mga ito ng 360-degree na view sa mundo. Sa panig ng software, ginagamit namin ang lahat ng impormasyong kinokolekta ng mga sensor namin para sumagot ng apat na pangunahing tanong: Nasaan ako? Ano ang nasa paligid ko? Ano ang susunod na mangyayari? At ano ang dapat kong gawin? Magkasamang gumagana ang hardware at software namin para makabuo ng kumpletong pananaw sa mundo sa paligid ng kotse at nagbibigay-daan ang mga ito sa amin na mag-navigate sa mga kalsada sa ligtas na paraan.
Mga Request
Puwede ba akong magbigay ng feedback tungkol sa kung paano nagmamaneho ang mga kotse sa kalsada?
Mahalaga sa amin ang iyong feedback. Kung nakita mo kami sa kalsada at gusto mong magbigay ng feedback tungkol sa kung paano kami nagmamaneho, makipag-ugnayan sa amin at ikuwento sa amin ang iyong experience.
Kung isa kang rider ng Waymo at gusto mong magbigay ng feedback tungkol sa iyong experience sa serbisyo, makipag-ugnayan sa aming team ng Suporta sa Rider sa pamamagitan ng app.
Gusto kong sumali sa team. Saan ako makakakita ng listahan ng mga bakanteng posisyon?
Puwede kang matuto pa tungkol sa mga available na posisyon sa aming Page ng Mga Trabaho.
Puwede ba kayong pumunta sa event, conference, paaralan, o kumpanya ko?
Hindi namin matutugunan ang karamihan sa mga appearance request dahil sa abala naming mga iskedyul sa pag-develop at pag-test. Para sa mga espesyal na request, pakigamit ang aming form sa pakikipag-ugnayan. Pakitandaang hindi kami makakasagot sa lahat ng tanong.
Matutulungan mo ba ako sa proyekto ko sa paaralan o pananaliksik?
Good luck sa iyong proyekto! Nasa website na ito at sa aming blog ang lahat ng puwede naming i-share, kaya ang mga ito ang pinakamagagandang lugar para maghanap ng mga detalye tungkol sa Waymo. Hindi kami makakapagbigay ng anupamang impormasyon sa ngayon.