Sustainable na paraan para bumiyahe
Nagbibigay ang aming ganap na autonomous at ganap na electric na fleet ng zero-emission na biyahe para sa lahat—na nakakaambag sa layunin naming bigyang-kakayahan ang mga tao na bumiyahe sa ligtas at sustainable na paraan. Bumubuo kami ng kinabukasang may sustainable na transportasyon sa kada komunidad sa pamamagitan ng pagpapalawak ng access sa electric vehicle at pagsuporta sa mga kapitbahayang angkop para sa paglalakad, pagbibisikleta, at pampublikong sasakyan.
Access sa electric vehicle para sa lahat

Naka-share na electric na transportasyon
Ikinokonekta ng naka-share na ganap na electric na fleet ng Waymo ang mas maraming tao sa mga zero-emission na sasakyan. Hindi man kayang bumili ng isang tao ng personal na sasakyan, pinili niyang hindi magmay-ari nito, o wala siyang kakayahang magmaneho, ginagawang accessible na opsyon ng Waymo ang pagbiyahe sakay ng electric vehicle para sa mas malaking saklaw ng mga tao.
Libo-libong rider na ang nabigyan namin ng access sa mga electric vehicle, at nakapagbigay na kami ng milyon-milyong ganap na electric na autonomous na biyahe.

Epekto sa Sustainability
Kapag mas clean ang mga biyahe, mas lulusog ang mga komunidad
Walang binubuong tailpipe emission ang naka-share na fleet namin ng mga electric na vehicle, kaya malaki ang pagkakaibang inaambag ng bawat biyahe. Sa pagbiyahe sa Waymo One, tumutulong kang iwasang magkaroon ng carbon emission at pabutihin ang kalidad ng hangin sa ating mga komunidad.
Kapag mas clean ang mga biyahe, mas lulusog ang mga komunidad
Walang binubuong tailpipe emission ang naka-share na fleet namin ng mga electric na vehicle, kaya malaki ang pagkakaibang inaambag ng bawat biyahe. Sa pagbiyahe sa Waymo One, tumutulong kang iwasang magkaroon ng carbon emission at pabutihin ang kalidad ng hangin sa ating mga komunidad.
-
250K+
biyahe ng EV kada linggo
Naghahatid ang Waymo One na mahigit 250K ganap na autonomous na biyahe ng EV (electric vehicle) kada linggo, na nakakatulong sa mga komunidad na makamit ang mga layunin nila sa malinis na hangin at klima.
-
315+ tonelada
ang naiiwasang CO₂ kada linggo
Sa kada 250K na biyahe ng EV, pinipigilan ng Waymo One ang tinatantyang 315 tonelada ng CO2 emission – at nagsisimula pa lang kami. 1
-
36%
ng mga rider sa SF ang naikonekta sa pampublikong sasakyan
Ayon sa data mula sa survey, nasa 36% ng mga rider sa SF ang gumamit ng Waymo One para kumonekta sa iba pang uri ng pampublikong sasakyan, tulad ng BART, Muni, o CalTrain.
Na-develop ng Waymo ang una sa uri nito na Pamamaraan sa Mga Naiwasang Emission para kalkulahin ang mga emission na naiwasan ng aming naka-share at autonomous na serbisyo ng electric vehicle. Gumagamit ang aming pamamaraan ng mga pinakabagong pamantayan sa industriya at pinakamahuhusay na kagawian para ipaalam sa aming mga rider, partner, at stakeholder ang mga benepisyo ng naka-share na electric mobility sa kapaligiran.
Nakikipag-partner ang Waymo sa Alphabet sa pag-uulat ng mga emission ng greenhouse gas sa ilalim ng pag-uulat ng pinagsama-samang taunang carbon ng Alphabet, na makikita rito sa pinakabagong taunang Ulat sa Epekto sa Kapaligiran.
-
1Assumes 250,000 trips per week, an average trip distance of about 4.` miles per trip, an avoided emissions rate of 207 grams per passenger-mile, and a vehicle occupancy of 1.5 passengers per trip.
Renewable energy ang nagpapaandar sa amin

Mas tinutukan pa namin ang pagtutuon namin sa clean mobility sa pamamagitan ng pagtiyak na pinapaandar ng clean energy ang aming ganap na electric na fleet. Nagso-source ang Waymo ng renewable energy sa tuwing posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na programa ng mga utility at energy program na pinili ng komunidad na tumutugon sa mga kakulangan gamit ang mga de-kalidad na Certificate sa Renewable Energy.
Nakikipag-partner sa mga lokal para mag-source ng clean energy
Ipinagmamalaki naming makipag-partner sa mga lokal na provider ng energy para makabuo ng mas sustainable na kinabukasan nang magkakasama.
-
Bay Area
-
CleanPowerSF
100% renewable ang energy na sino-source ng Waymo mula sa CleanPowerSF, isang programa ng energy na pinili ng komunidad na pinapatakbo ng San Francisco Public Utilities Commission.
-
Silicon Valley Clean Energy
100% renewable ang energy na natatanggap ng mga operasyon ng Waymo sa Mountain View mula sa Silicon Valley Clean Energy. Ang Silicon Valley Clean Energy ang energy provider na pinili ng komunidad na naghahatid ng serbisyo sa kalakhan ng mga komunidad sa Santa Clara County.
-
-
Metro Phoenix
-
Salt River Project
Nakikipag-partner ang Waymo sa Salt River Project (SRP) at Google para mag-source ng clean energy mula sa pinagsama-samang nakalaang wind power, solar energy, at battery storage mula sa tatlong pasilidad na pinapatakbo ng NextEra Energy Resources sa power grid ng SRP sa Arizona: ang Sonoran Solar Energy Center, Storey Energy Center, at Babbitt Ranch Energy Center.
-
Green Choice Program ng Arizona Public Services
Nakikipag-partner ang Waymo sa Arizona Public Service (APS) para bumili ng renewable energy mula sa Green Choice Program ng APS.
-
-
Austin
-
Austin Energy
Sa Austin, nagso-source ang Waymo ng renewable energy mula sa Green Choice program ng Austin Energy.
-
-
Los Angeles
-
LA Department of Water and Power
Nakikilahok kami sa programang Green Power for a Green L.A.™ ng Los Angeles Department of Water and Power kapag posible.
-
Sustainable ang mas ligtas na kalsada
Ginagawang mas ligtas ng teknolohiya ng Waymo ang mga kalsada
Ang aming misyon: Maging pinakapinagkakatiwalaang driver sa buong mundo. Para sa lahat. Sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kaligtasan para sa lahat ng gumagamit ng kalsada, matutulungan namin ang mga komunidad na gumawa ng mga kapitbahayang mas angkop para sa paglalakad at pagbibisikleta. Matuto pa tungkol sa kung paano pinapahusay ng Waymo Driver ang kaligtasan sa kalsada.
-
Kapanatagan ng isip para sa naglalakad
Tumitigil kami nang tuluyan sa mga tawiran at binibigyan namin ng right of way ang mga naglalakad. Ipinaparating ng mga dome namin kapag may hinihintay kaming tumatawid.
-
Kaligtasan ng nagbibisikleta
Nagbibigay kami ng sapat na espasyo para sa mga nagbibisikleta sa mga kalsada, at ipinapaalam ng mga feature namin sa Ligtas na Paglabas kapag may papalapit na nagbibisikleta para matiyak na titingin sila sa paligid bago buksan ang pinto.
-
Walang katulad na visibility
"Nakakakita" ang mga sasakyan namin nang 360 degrees nang hanggang sa 3 football field na distansya—araw man o gabi, umulan man o umaraw. Makikita ng mga ito ang taong tumatawid sa kalsada na 2 block ang layo o nagbibisikletang papalapit mula sa likod.
-
Never Tired, Never Distracted™
Idinisenyo ang mga Waymo vehicle na sumunod sa limitasyon sa bilis at hindi kailanman mawalan ng pasensya sa ibang gumagamit ng kalsada o driver. Hindi sila kailanman napapagod, nalalasing, o nababaling ang atensyon.
Pakikipag-partner para sa sustainable na pamamalakad

Nakikipag-partner kami sa mga organisasyon para mapalawak ang access sa electrified mobility, mapabuti ang kalidad ng hangin, at magawang mas ligtas ang mga kalsada para sa mga naglalakad at nagbibisikleta.
- American Lung Association in California, Los Angeles
- Arizona Sustainability Alliance
- Austin Creative Reuse
- Bike MS
- BikeLA
- Breathe SoCal
- CALSTART
- Coalition for Clean Air
- Electric for All
- Ghisallo Cycling Initiative
- Grassroots Ecology
- Los Angeles Cleantech Incubator
- Parking Reform Network
- Phoenix Spokes People
- Silicon Valley Bicycle Coalition
- Streets Are For Everyone
- The Coalition for Clean Air
- Veloz
- Zero Emission Transportation Association