Lumaktaw patungo sa pangunahing content

Waymo Driver

Panoorin ang pelikula

Gumagawa kami ng Driver na binubuksan ang pinto para sa buong industriya. Ang Waymo Driver, na ginawa batay sa walang kapantay na karanasan at idinisenyo nang pangunahing pinapahalagahan ang kaligtasan, ay ang aming teknolohiya sa autonomous na pagmamaneho na hindi nalalasing, napapagod, o naaabala.

None
None
larawan sa background
larawan sa background

Ang Waymo Driver ang Pinakabihasang Driver sa Buong MundoTM

Mayroon kaming napakaraming data mula sa milyon-milyong milyahe ng pagmamaneho sa nakapakaraming pampublikong kalsada, at bilyon-bliyon pa sa simulation, para mas pahusayin pa ang teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho.

Ayon sa data hanggang sa kasalukuyan, nakakabawas ang Waymo Driver sa mga aksidente at pagkamatay sa trapiko sa mga lugar kung saan kami nagpapatakbo.

Ang Waymo Driver vs Tulong sa driver

Bagama't maraming kumpanya ang nagpo-promote ng mga 'self-driving' na feature, ang kadalasang mayroon sila ay pantulong na teknolohiya para sa driver na nangangailangan pa rin ng nagmamanehong tao na ganap na nakatuon at handang kontrolin ang sasakyan kapag naharap ang kotse sa sitwasyong hindi nito kayang pangasiwaan.

Ang Waymo Driver ay ang huwaran ng ganap na autonomous na teknolohiya na palaging may kontrol mula sa pagsundo hanggang sa destinasyon. Hindi kailangang matutong magmaneho ng mga pasahero. Magagawa nilang umupo sa likod, mag-relax, at i-enjoy ang biyahe habang ligtas silang inihahatid ng Waymo Driver patungo sa kanilang destinasyon.

Nakiita ang kalsada sa maraming dimensyon

Sa nakalipas na dekada, nakapag-develop ang Waymo ng isang pinagsamang system ng mga sensor at compute na idinisenyong sabay na tumakbo para mabigyan ang Waymo Driver ng kumprehensibong video ng mundo sa paligid nito. Araw man o gabi, malapit man o malayo, idinisenyo ang Waymo Driver na malinaw na makita ang nangyayari.

  • Gumagawa ang Lidar, o Light Detection and Ranging, ng 3D na larawan ng paligid ng sasakyan. Ang mga sensor ng Lidar ay matatagpuan sa buong paligid ng sasakyan para makapagpadala ng milyon-milyong laser pulse sa lahat ng direksyon, at pagkatapos ay sinusukat ng mga sensor na ito kung gaano katagal bago tumalbog ang mga ito mula sa mga bagay. Ang aming system ng lidar ay nagbibigay sa Waymo Driver ng bird's eye view ng nasa paligid, anumang oras ng araw.
  • Nagbibigay sa Waymo Driver ang aming mga camera ng sabay-sabay na tumatakbong 360° na view sa paligid ng sasakyan. Idinisenyo ang mga ito nang may high dynamic range at thermal stability, para makakita sa araw at sa madidilim na sitwasyon, at makatakbo sa mga mas kumplikadong environment. Nakakakita ang mga ito ng mga traffic light, lugar ng konstruksyon, at iba pang bagay sa lugar, kahit na daan-daang metro ang layo ng mga ito. May 29 na camera sa aming mga Jaguar I-PACE.
  • Gumagamit ang radar ng mga millimeter wave frequency para makapagbigay sa Waymo Driver ng mga napakahalagang detalye tulad ng layo at bilis ng bagay. Epektibo ang radar sa ulan, hamog, at niyebe.
  • Bilang “utak" ng Waymo Driver, pinagsasama ng aming onboard na computer ang mga pinakabagong CPU at GPU sa antas ng server. Kumukuha ito ng impormasyong ibinibigay ng maraming sensor sa kotse, tinutukoy nito ang iba't ibang bagay (tulad ng iba pang kotse at taong naglalakad), at nagpaplano ito ng ligtas na ruta patungo sa iyong destinasyon – isinasagawa ang lahat ng ito nang real time.

Lidar

Mga Camera

Radar

Compute

Waymo One Jaguar I-PACE

Mga backup na maaasahan mo

  • Pangalawang compute

    May pangalawang on-board na computer ang Waymo Driver na palaging tumatakbo sa background. Idinisenyo ito na ligtas na ihinto ang sasakyan kung sakaling may ma-detect itong pagpalya sa aming pangunahing system.
  • Backup na system ng pag-detect at pag-iwas sa pagbangga

    Palaging alisto ang maraming backup na system—kabilang ang mga independent system ng pag-iwas sa pagbangga—sa mga bagay sa kalsadang daraanan at sa likod ng sasakyan para sa mga bagay tulad ng mga taong naglalakad, siklista, at iba pang sasakyan. Mapapabagal o mapapahinto ng mga ito ang sasakyan sa mga bihirang mangyaring sitwasyon kung saan hindi gumagana ang pangunahing system.
  • Karagdagang pagmaneobra

    Nagtatampok ang system ng pagmamaneobra ng karagdagang pangalawang system ng drive motor na may mga independent controller at hiwalay na power supply.
  • Karagdagang pagpreno

    Ligtas na mapapahinto ang sasakyan kung kinakailangan sa pamamagitan ng ganap na pangalawang system ng pagpreno.
  • Mga backup na power system

    May mga independent power source na nakalaan para sa bawat isa sa mga napakahalagang system ng pagmamaneho. Tinitiyak ng mga ito na nananatiling tumatakbo ang Waymo Driver sa mga bihirang mangyaring sitwasyon ng pagpalya ng power o pagkaantala ng circuit.
  • Mga karagdagang system ng inertial measurement para sa pagpoposisyon ng sasakyan

    Nakakatulong ito sa Waymo Driver na tumpak na masubaybayan ang paggalaw nito sa kalsada. Ang dalawang system na ito ay kino-cross check ang bawat isa at pinapansan ng isang system ang pagkontrol mula sa kabilang system kung may ma-detect na depekto sa anumang system.
  • Cybersecurity

    Ang pagprotekta sa Waymo Driver laban sa nakakapinsalang aktibidad ang pinakamahalaga. Bumuo ang Waymo ng matatag na proseso para malaman, mabigyang-priyoridad, at makontrol ang mga panganib sa cybersecurity nang naaayon sa pinakamahuhusay na kagawian sa seguridad na tinukoy ng industriya at gobyerno.