
Waymo sa Uber
Bumiyahe gamit ang Waymo One sa Uber sa Austin at Atlanta
Nagtulungan ang Waymo at Uber para dalhin ang hiwaga ng Waymo One sa Austin at Atlanta, eksklusibo sa Uber app.
Saan ka makakabiyahe gamit ang Waymo sa Uber
-
Austin
Magbiyahe gamit ang Waymo sa pamamagitan lang ng Uber sa Austin. Puwede kang maitugma kung nasa saklaw na lugar ka at may malapit na sasakyan.
-
Atlanta
Atlanta, available kami mula South Atlanta, hanggang Downtown, hanggang Buckhead. Puwede kang maitugma kung ikaw ay nasa saklaw naming lugar at may malapit na sasakyan.
Paano bumiyahe gamit ang Waymo sa Uber
-
Itakda ang mga preference mo sa Uber app
Sa pinakabagong bersyon ng Uber app, i-tap ang Account, Mga Setting, Mga autonomous na sasakyan, pagkatapos ay i-on ang Waymo preference.
-
Tanggapin ang alok ng Waymo
Mag-request ng UberX, Uber Green (Austin lang), Uber Comfort, o Uber Comfort Electric para sa pagkakataong maitugma sa Waymo car. Kapag na-prompt, tanggapin ang biyahe sa Waymo.
-
I-unlock ang kotse at mag-enjoy sa biyahe
Kapag huminto na ang Waymo car, i-unlock ang sasakyan gamit ang Uber app. Sumakay, mag-seatbelt, at hayaan ang Waymo Driver sa pagmamaneho.
Waymo Driver
-
Kilalanin ang teknolohiya sa likod ng lahat
May mahigit 40 milyong milya ng experience sa pagmamaneho sa tunay na buhay ang Waymo Driver nang walang taong nagmamaneho. Naghahatid kami ng 150,000+ biyahe linggo-linggo sa mga rider sa buong bansa.
-
Idinisenyo nang may pagtuon sa kaligtasan
Ayon sa data hanggang sa kasalukuyan, nakakabawas na ang Waymo Driver sa mga aksidente at pagkamatay sa trapiko sa mga lugar kung saan kami kasalukuyang nagpapatakbo. Gumagamit kami ng mahigpit na framework sa kaligtasan para pamahalaan ang panganib habang isinusulong namin ang aming teknolohiya.
-
Isang pag-tap lang ang tulong
Kailangan ng tulong o may mga tanong tungkol sa iyong biyahe? Makipag-ugnayan sa suporta anumang oras mula sa Uber app o screen sa kotse ng Waymo. May mga feature na pangkaligtasan din ang Uber app na maa-access mo anumang oras sa pamamagitan ng asul na safety shield para makatulong na matiyak na maayos ang iyong biyahe.
Mga Madalas Itanong
-
mga faq
-
Paano ako makakakuha ng biyahe sa Waymo sa Uber app?
Puwede kang maitugma sa isang Waymo car kung nasa mga teritoryo ng serbisyo ka ng Waymo. Mag-request lang ng biyahe sa Uber (UberX, Uber Green - Austin lang, Uber Comfort, o Uber Comfort Electric) tulad ng karaniwan mong ginagawa, at tingnan ang iyong screen ng kumpirmasyon; makakatanggap ka ng pop-up kung naitugma ka sa isang kalapit na Waymo. I-click ang “Tanggapin ang biyahe,” pagkatapos ay maghintay na sunduin ng ganap na autonomous na Waymo car.
-
Saan ako makakakuha ng biyahe sa Waymo sa Uber app?
Naglilingkod ang Waymo sa mga rider sa Uber app sa Austin at Atlanta. Tingnan ang mga saklaw na lugar sa waymo.com/whereyoucango.
-
Bakit hindi pa ako naitugma sa Waymo sa Uber app?
Bumibiyahe lang ang fleet ng Waymo sa isang limitadong teritoryo sa Austin at Atlanta, at inuuna ang mga request sa biyahe na malapit sa isang available na Waymo vehicle. Ibig sabihin, hindi namin magagarantiya ang mga biyahe sa Waymo sa Uber app sa bawat pagkakataon.
-
Kailangan ko bang magbigay ng tip kung naitugma ako sa isang Waymo car?
Hindi. Hindi nagre-require ng tip ang mga ganap na autonomous na biyahe sa Waymo.
-
Anong uri ng mga kotse ang aasahan ko?
Binubuo ang fleet ng Waymo ng all-electric Jaguar I-PACE.
-
Ano ang mangyayari kung may nakalimutan ako sa kotse?
Ikinagagalak naming tulungan ka! Sa iyong Uber app, i-click ang “Aktibidad” sa ibabang tab ng homescreen. Hanapin ang biyahe mo sa Waymo at i-tap ang “Mga Detalye ng Biyahe,” pagkatapos ay ang button na “Suporta sa Customer” para tumawag o magmensahe sa isang tao mula sa team ng suporta ng Uber.
-
Gaano katagal maghihintay sa akin ang Waymo car?
May pitong minuto ang mga rider sa pagsakay sa kanilang Waymo car. Gayunpaman, kung nakarating ang isang rider sa isa sa aming mga sasakyan pero nangangailangan ng karagdagang oras para makapag-ayos bago masimulan ang kanyang biyahe, maghihintay ito. Posibleng tumawag ang team ng Suporta sa Rider ng Waymo para magtanong kung kailangan ng rider ng karagdagang tulong.
-
Ilang tao ang puwedeng sumakay sa Waymo car?
Puwedeng magsakay ang mga Waymo car ng hanggang 4 na rider (sa alinmang upuan maliban sa upuan ng driver!).
-
Puwede ba akong sumakay na may dalang hayop?
Posibleng may mga allergy ang ilang pasahero, kaya iwanan ang mga alagang hayop sa bahay bilang paggalang sa mga susunod na rider. Palaging welcome ang mga service animal sa mga Waymo car.
-
Paano ko malalaman kung aling kotse ang sasakyan ko?
Ipapakita ng iyong Waymo car ang mga inisyal mo sa rooftop dome nito para madali mo itong matukoy sa pickup. I-unlock ang kotse sa Uber app at sumakay!
-
Puwede ko bang gamitin ang trunk?
Oo, puwede! Gamitin ang button sa Uber app para buksan ang trunk, o i-unlock ang Waymo car mula sa app, pagkatapos ay pindutin ang button sa pagbukas ng trunk sa itaas ng plaka.
-
May mga camera at mikropono ba sa kotse?
Hindi aktibo ang mga mikropono sa loob ng kotse maliban kung tinawagan ang team ng Suporta sa Rider ng Waymo habang nasa biyahe. Nagbibigay-daan sa Waymo ang mga camera sa sasakyan na matiyak na maayos ang iyong biyahe. Sa iba pang bagay, binibigyang-daan nito ang Waymo na matiyak na malinis ang mga kotse, makita ang mga nawawalang item, magbigay ng tulong sa mga emergency, at matiyak na sinusunod ang mga panuntunan sa loob ng kotse.
-
Gustong matuto pa tungkol sa mga biyahe sa Waymo sa Austin at Atlanta?
