Skip to main content

I-redefine kung paano ka lumilibot sa Phoenix

I-tap. Sumakay. Mag-relax.

Mula Encanto Park hanggang Desert Ridge, Waymo One ang bago mong paboritong paraan para maglibot. I-download ang Waymo One app at i-enjoy ang iyong susunod na biyahe sa isang ganap na electric na Jaguar I-PACE, nang walang tao sa likod ng manibela.

Waymo One app sa smart phone

Paano ito gumagana

Saan ka puwedeng pumunta

Kasalukuyang nag-o-operate ang Waymo One nang 24/7 sa 315 square miles ng Metro Phoenix. Hayaan ang Waymo Driver na magmaneho mula Downtown Phoenix, hanggang Scottsdale, hanggang sa East Valley.

Mapa ng teritoryo na sakop ang mga bahagi ng Downtown Phoenix, Scottsdale, Tempe, Mesa, at Chandler.
Mapa ng teritoryo na sakop ang mga bahagi ng Downtown Phoenix, Scottsdale, Tempe, Mesa, at Chandler.
Mag-sign up para sa mga update para makakuha ng pinakabagong impormasyon tungkol sa Waymo at sa aming teknolohiya.

Mga Testimonial

Talagang epektibo ito, kaya nagdesisyon akong gawin sa Waymo ang ilan sa mga lingguhang driving trip ko.
Pakanang Arrow

Alamin kung bakit pinipili ni David ang Waymo One

Waymo vehicle sa Downtown Phoenix
Waymo na napapaligiran ng pattern ng tuldok para ma-visualize ang lidar na dot map

Ang Waymo Driver ay ang aming teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho na may hindi mapapantayang pagsasaalang-alang sa experience at kaligtasan

  • 20 Milyong Milya

    May experience ang Waymo Driver na katumbas ng mahigit 20 milyong milya ng pagmamaneho sa totoong mundo sa napakaraming sitwasyon - na katumbas ng pagmamaneho papuntang Buwan at pabalik nang 40 beses.

  • Kaligtasan Muna

    Sumusunod kami sa isang mahigpit na framework ng kaligtasan kung saan pinagsasama-sama ang maraming pamamaraang nakakatulong sa pag-verify at pag-validate ng aming pagiging handa sa kaligtasan at pagtugon sa mga naaangkop na batas at regulasyon.

  • Libo-libong rider

    Mahigit isang dekada na kaming nagsasagawa ng mga pag-test sa mahigit sampung estado, at ngayon, ligtas kaming nagpapatakbo ng ganap na autonomous na serbisyo ng ride hailing na available sa publiko sa Phoenix, San Francisco, and Los Angeles.

Salamat sa aming mga partner na komunidad

Matuto pa tungkol sa kung paano nakikipagtulungan ang Waymo sa mga komunidad kung saan kami nag-o-operate

  • Partner ng Social Spin sa harap ng Waymo vehicle
    Logo ng Social Spin Foundation

    Sa pakikipagtulungan sa Social Spin, libre kaming naghahatid ng malinis na labada sa mga taga-Arizona na nasa transitional na pabahay

  • Waymo vehicle sa harap ng field ng Diamondbacks
    Logo ng Waymo at Arizona Diamondbacks

    Ipinagmamalaki ng Waymo na maging Opisyal na Autonomous na Sasakyan ng Arizona Diamondbacks

  • Batang nakasakay sa bisikleta
    Logo ng Phoenix Children's

    Nakikipagtulungan ang Waymo sa Phoenix Children’s para sa kaalaman sa kaligtasan ng batang pasahero

  • Partner ng Best Buddies sa booth
    Logo ng Best Buddies

    Ipinagmamalaki ng Waymo na maging sponsor ng Arizona Best Buddies Friendship Walk, na sumusuporta sa mga indibidwal na may mga kapansanan sa pag-iisip at pag-develop (intellectual and developmental disabilities o IDD)

  • Mga partner ng ONE community
    Logo ng One Community

    Ang ONE Community ay isang samahan ng mga negosyo, organisasyon, at indibidwal sa Arizona na sumusuporta sa diversity, inclusion, at equity para sa lahat ng taga-Arizona.

mga faq

  • Mga kamay na may hawak na smart phone
    Mga kamay na may hawak na smart phone

    Paano ako magsa-sign up para makabiyahe sa Teritoryo ng Metro Phoenix?

    Puwede nang sumakay ngayon sa autonomous na sasakyan ang kahit sinong nasa Metro Phoenix. I-download lang ang Waymo One app para magamit na ang aming autonomous na serbisyo ng ride hailing!

  • Cactus
    Cactus

    Saang lokalidad kayo nag-o-operate?

    Sa kasalukuyan, kasama sa aming teritoryo ng Metro Phoenix ang Downtown Phoenix, Scottsdale, at mga bahagi ng Tampe, Mesa, at Chandler. Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming [mapa ng serbisyo] sa (https://waymo.com/whereyoucango/).

  • Ligtas bang lumapit sa mga lidar sensor sa inyong sasakyan?

    Oo, hindi mapanganib ang ilaw. Napapailalim ang mababang level ng mga emission sa mga Class 1 na limitasyon at maituturing na nasa parehong kategorya ito ng mga laser na ginagamit sa mga appliance sa bahay tulad ng mga CD at DVD player.

  • Waymo vehicle na nagcha-charge
    Waymo vehicle na nagcha-charge

    Ano ang epekto sa klima ng inyong mga sasakyan?

    Ginagamit namin ang ganap na electric na Jaguar I-PACE sa Phoenix, at pinapagana ng 100% renewable energy ang mga ginagamit naming charger.

  • Waymo vehicle mula sa itaas
    Waymo vehicle mula sa itaas

    Ano ang ipinapatupad ninyong mga hakbang sa kaligtasan?

    Sumusunod kami sa isang mahigpit na framework ng kaligtasan kung saan pinagsasama-sama ang maraming pamamaraang nakakatulong sa pag-verify at pag-validate ng aming pagiging handa sa kaligtasan at pagtugon sa mga naaangkop na batas at regulasyon. Nakatuon kami sa pagbibigay ng mga ligtas na biyahe sa aming mga pasahero.

  • Nagbibisikleta
    Nagbibisikleta

    Paano nalalaman ng mga kotse ninyo kung paano makisabay sa mga nagbibisikleta sa kalsada?

    Marami sa amin ang mga nagbibisikleta rin, at nakakatulong ang mga personal na experience namin sa kalsada sa paghubog ng aming mga desisyon kaugnay ng engineering at produkto. Nakikipagtulungan din kami sa mga lokal na koalisyon sa pagbibisikleta para matiyak na nagsasaalang-alang ng iba’t ibang sitwasyon sa aming mga pamamaraan sa pag-test at pag-validate. Gumagamit ang aming mga sasakyan ng kumbinasyon ng mga sensor na idinisenyong makakita nang 360 degree sa paligid ng sasakyan, araw man o gabi, at natutukoy ng aming vision system ang mga detalye tulad ng mga naglalakad at stop sign na hanggang 500 metro ang layo. Pare-pareho ang gawi ng mga sasakyang minamaneho ng Waymo Driver — ligtas, magalang, maaasahan — at natutugunan nito ang kawalan ng katiyakan para sa mga nakapalibot sa mga ito. Nangungunang priyoridad para sa amin ang pagtiyak na nararamdaman ng lahat ng gumagamit ng kalsada na ligtas sila.

  • I-lock
    I-lock

    Puwede bang ma-hack ang mga kotse?

    Mahalagang priyoridad ang proteksyon laban sa pag-hack, kaya naman mayroon kaming maraming layer ng seguridad na idinisenyo para pigilang ma-access ng mga hindi pinapahintulutang source ang aming system ng autonomous na pagmamaneho. Hindi naa-access sa pamamagitan ng komunikasyon mula sa labas ang pagmamaneobra, pag-brake, at mga controller. Pinoprotektahan laban sa mga wireless network ang onboard na computer na nananatiling responsable sa gawain ng pagmamaneho sa lahat ng oras. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga sasakyan namin sa aming team ng pagtugon sa fleet, ine-encrypt ang lahat ng cellular na koneksyon. At tuloy-tuloy naming pinapahusay ang aming teknolohiya para makatulong na tiyaking mayroon kaming mga secure na proteksyon para makapagbigay ng ligtas na biyahe.

  • Waymo sensor pod sa ibabaw ng sasakyan
    Waymo sensor pod sa ibabaw ng sasakyan

    Ano ang ginagawa ninyo sa footage mula sa camera na kinokolekta ninyo?

    Ginagamit ang mga camera sa labas ng sasakyan para tulungan ang Waymo Driver na makita at pahusayin ang kakayahan nitong mag-navigate nang ligtas sa daan. Ang mga camera sa loob ng sasakyan ay isang paraan para masigurado naming magiging maayos ang biyahe mo. Bukod sa iba pang bagay, posibleng gumamit kami ng mga camera para: tiyaking malinis ang mga kotse, maghanap ng mga nawawalang item, magbigay ng tulong kapag may emergency, tingnan kung nasusunod ang mga panuntunan sa kotse, at pahusayin ang mga produkto at serbisyo.